Friday, August 5, 2011

UPCAT Reminders

 

GENERAL REMINDERS FOR UPCAT
  1. Be at the testing center at least 30 minutes before your session.  Magiging kamatay-matay ang traffic.  It would be wise to be there early.
  2. Magdala ng tsibog!  Ngunit, huwag magdala ng chicharon, sitsirya, o kung ano pa mang malutong.  Huwag sirain ang tranquility ng buhay ng katabi mo.  Moment niya 'yan.
  3. HUWAG IWAWALA ANG TEST PERMIT!  Future niyo 'yan.  Mas makabubuting mawala na ang inyong telepono, pitaka, at datung...basta huwag lang maiwala ang test permit.
  4. HUWAG KALILIMUTANG DALHIN ANG TEST PERMIT!  Hindi niyo nga nawala, naiwan niyo naman sa altar na kung saan nag-aalay ng pagkain sa mga ani-anito tuwing ala-sais ng gabi.  Wala rin.  Dalhin iyan kapag mage-exam na.
  5. Mag-chill ka lang the day before the exam.  Kumain ka ng ice cream...vanilla...masarap yun.  O kaya mantecado...masarap din yun.  Huwag mo munang isipin ang feasibility report sa STR, perio sa Monday at Tuesday, creative shot, debt crisis ng America, at mga tsismax na kumakalat.  'Lax ka lang...nood ka ng The Exorcist at Haunting in Connecticut...nakare-relax yun...haha.
  6. Huwag kalilimutan ang lapis!  Nagpamigay ang mga tao ng sandamakmak na lapis...dalhin ang lahat.
  7. Magdala rin ng pambura.  Yung magandang klase ha, hindi yung pinagtagpi-tagpi lang nung makalawa.
  8. Alamin kung saan ang testing center.  Malaki ang UP...madaling mawala doon.
  9. Mag-download at mag-micturate (salamat Sir Montales for the nice word) bago pumanaog sa UP.  Mahirap na kapag naghihimagsik ang kalooban mo habang nage-exam...ilabas ang galit sa mundo bago pumuntang UP.
  10. At, higit sa lahat...HUWAG MAPRE-PRESSURE!  Relax, keep calm, enjoy!

Good luck sa lahat!  Kaya natin 'to!  FIGHT!

Team Council

No comments:

Post a Comment